DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo, pamilyar na sa ating mga Pinoy ang lunchbox scare tuwing nawawalan tayo ng mga baunan.

Naging sikat na rin itong sa social media kung saan mas nagagalit pa umano ang mga nanay tuwing nawawala ang mga baunan kumpara sa nawawalang mamahaling bagay.

Paano na lamang kapag napag-alaman mong ang nawawala mong lunchbox ay natagpuan pagkatapos ng 42 na taon?

--Ads--

Isang hindi inaasahang pagdiskubre kasi ang nagbigay saya sa isang dating estudyante mula sa Virginia, matapos matagpuan ang nawawalang lunchbox na iniwan niya higit apat na dekada na ang nakalilipas.

Ang lunchbox na may disenyo ng sikat na cartoon character na si Heathcliff ay natagpuan ng isang plumber habang nagsasagawa ng maintenance sa Fairview Elementary School sa Roanoke, Virginia.

Ayon sa isang post, habang nagtatrabaho ang plumber, napansin niya ang isang metal na lunchbox na may mga imahe ng orange na pusa, si Heathcliff.

Sa loob ng lunchbox, natagpuan ang isang thermos na amoy pa ring tsokolate, isang art, at isang tag na may pangalang Tracy Drain.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan, ang lunchbox ay mukhang ginawa noong unang bahagi ng 1980s.

Nagbigay pansin ang post sa tamang Tracy Drain, na nalamang siya pala ang nagmamay-ari ng lunchbox na nawawala mula pa noong 1982, nang siya ay nasa ika-apat na baitang.

Sa isang panayam kay Tracy, sinabi niyang labis siyang namangha sa pagkakatagpo ng lunchbox na iyon.

Wala siyang gaanong alaala tungkol sa lunchbox, ngunit ang kanyang ina na nagsulat sa tag ng lunchbox ay isang bagay na kanyang iingatan.