DAGUPAN CITY- Banggaan ang inabot ng isang side car at isang elf truck sa Provincial Road ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Laoac.

Ayon kay PSSG. Jelicy Valdez, Investigator on case ng Laoac PNP, kinilala ang drayber ng pulang side car na si Tirso Adviento, 47 anyos, tricycle driver, habang lulan nito sina Teofista Lazar, 71 taon gulang, at Trinidad basa, nasa legal na edad, pare-parehong residente ng Brgy. San Vicente East, sa lungsod ng Urdaneta.

Minamaneho naman ni Mherven Miranda, 30 anyos, truck diver, residente ng brgy. Concepcion, Rosario, La Union, ang puting six wheeler elf truck. Lulan naman nito si Ronald Bangcaya, 58 anyos, aluminum and glass installer, at residente ng Brgy. Bsmbsng, Pasig City.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon na tinatahak ng side car ang kanlurang direksyon habang sa kabilang direksyon naman ang six wheeler elf truck. Nangyari ang banggaan nang mag overtake ang elf truck sa harapan nitong sasakyan. Sinubukan umiwas ng side car subalit, bigla namang bumalik sa dating linya ang elf truck na siyang naging sanhi ng banggaan.

Nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga sakay at drayber ng side car.

Agad din dinala ang mga ito ospital subalit, dineklarang dead on arrival si Basa, lulan ng side car. at si Adviento, ang drayber ng tricycle.

Samantala, dinala naman sa kustodiya ng Laoac PS ang drayber ng elf truck at inihahanda ang pagsamapa ng kaso sakaniya.