Dagupan City – Nakapagtala ng nasa 1,191 na nahuling mga motorista na lumabag sa batas sa kalalsadahan ang Land Transportation Office Dagupan City District Office sa unang kwarter ng taon.

Ang bilang na ito ay kinabibilangan ng ilang paglabag gaya na lamang ng hindi pagsusuot ng helmet, hindi rehistradong sasakyan, walang lisensya at iba p.

Ayon kay Rommel Dawaton ang Chief ng nasabing opisina na kung ikukumpara ang datos na ito noong 2024 sa kaprehong buwan ay mas mataas ngayon.

--Ads--

Nasa 457 lamang kasi ang datos ng kanilang apprehension o nahuli noong 2024.

Saad nito na mas pinaigting at tinutukan ang mga motorista ngayon kaya mataas at dumami ang bilang nito dahil noong nakalipas na taon aniya ay persuasave ang ginawang approach ng mga law enforcement officers kaya mababa lamang.

Sa kabilang banda, nagpapatuloy naman ang Isinasagawa nilang Libreng Theoretical Driving Course bilang bahagi sa programa ng LTO Region 1 na mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagiging defensive driver at magiging unang hakbang sa pagkuha ng driver’s license.

Maari aniyang makipag-ugnayan na lamang sa kanilang opisina ang bawat institusyon, eskwelahan at iba pang sektor para matulungan ang mga ito na maihatid ang serbisyo sa mga tao.

Layunin ng Theoretical Driving Course na maghatid ng pangunahing kaalaman sa pagmamaneho ng sasakyan gaya ng patungkol sa mga batas sa trapiko, mga karapatan at responsibilidad ng isang driver, at mga alituntunin sa kaligtasan sa kalsada upang mabawasan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kalsada.

Samantala, nagpaalala naman ito sa publiko sa mga indibidwal na paso na ang lisensya o rehistro ng sasakyan na dapat ilakad na nila ito upang hindi mahuli at makapagmulta.

Kaugnay nito, sa mga motorista namang malapit na ang expiration ng kanilang lisensya at sasakyan ay mayroon silang ibinibigay na 2 months bago ang expiration date na maari na silang makapagrehistro sa kanilang opisina para hindi na magkaproblema sa kanilang dokumento.