Kinukumbida ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Pangasinan si LTFRB Regional Director Nasrudin Talipasan kung bakit wala pa rin silang tugon hinggil sa request ng Gobernador ng lalawigan sa pagbabalik operasyon ng mga pamprobinsyang bus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay 4th District Board Member, Dr. Jeremy Agerico “Ming” Rosario, ang naturang kahilingan ay dahil sa hirap umano ng mga kababayan natin patungkol sa transportasyon.
Aniya, ito ay upang mabigyang konsiderasyon ang lalawigan hinggil sa usapin bilang kagayan ng ilang mga lugar na nasa ilalim din ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay nagbalik operasyon na rin ang kanilang provincial buses.
Matatandaang Disyemre 29, noong nakaraang taon pa ipinaabot ang liham na nagsasaad kung aling mga ruta ang sana’y maibalik na, kalakip ng mga public health standards at ang limitadong kapasidad lamang ng mga bus ang pupunan.