Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low-pressure area (LPA) na matatagpuan sa silangan ng Mindanao nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kanilang advisory, sinabi ng ahensya na ang LPA ay matatagpuan sa 845 kilometro ng silangan ng Northeastern Mindanao at may mataas na posibilidad na mag-develop bilang tropical depression sa loob ng 24 oras.

Batay naman sa forecast track, inaasahang maaapektuhan ng bagyo ang karamihan ng Visayas at Southern Luzon.

--Ads--

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster, kapag nabuong bagyo ito ay tatawaging Verbena.

Saad nito na tatagal ang bagyo ng dalawa at 3 araw depende sa bilis ng pagtahak nito sa bansa.

Samantala, inaasahang may dalawa pang bagyo na papasok sa bansa ngayong Nobyembre habang sa Disyembre ay may dalawa pa.

Patuloy naman ang paalala sa publiko na manatiling sumubaybay sa mga update sa bagyo.