BOMBO DAGUPAN – Excited si Lovi Poe dahil sa susunod na linggo ay darating na ang kanyang asawang si Monty Blencowe.
Magtatagal daw rito si Monty para magkasama sila.
Sunud-sunod ang projects ni Lovi, pagkatapos ng shooting niya sa pelikulang Guilty Pleasure ng Regal Entertainment.
Kamakailan ay nag-renew pa siya ng kontrata niya bilang brand ambassador ng isang beauty products.
Nasa bansa ngayon ang aktres, minsan sa Amerika naman para samahan ang kanyang asawa. At least ngayon ay matagal-tagal daw niyang makakasama rito si Monty.
Marami ang humahanga sa pagiging morena o kayumanggi ni Lovi.
Pero nakuwento ng aktres sa media conference ng endorsement niya na bago ang kasal nila ni Monty, nagpa-tan pa sila sa South of France.
Napag-usapan din ang pagiging flat-chested na hindi naman itinanggi ni Lovi.
Kuntento na raw si Lovi ngayon sa kung anong meron siya, kahit isa ito sa panlalait na inabot niya noong nagsisimula pa lamang siya.