Nagdeklara ng state of emergency ang Los Angeles matapos lumaganap ang isang wildfire mula sa 20 ektarya patungong higit sa 1,200 ektarya sa loob lamang ng ilang oras.

Ayon kay Fire Chief Kristin Crowley, mahigit 30,000 katao ang nasa ilalim ng evacuation orders, at 13,000 na mga gusali ang nanganganib.

Makikita sa mga footage ang makapal na usok na umaabot malapit sa mga bahay sa Pacific Palisades area, at ang mga residente ay iniwan ang kanilang mga sasakyan upang lumayo sa malaking apoy.

--Ads--

Ang sunod ay dulot ng mga malalakas na hangin na may bilis na 80-100 mph (126-160 km/h).

Milyon-milyong tao sa California ang nasa ilalim ng red flag warning, na nangangahulugang may matinding panganib ng sunog.