Sabi nga nila, dapat kang magkaroon ng napakasayang alaala sa iyong kasal dahil minsan mo lang ito maranasan.

Kaya labis din ang galak ng dalawang mag-asawa sa Australia nang muli nilang makita ang kanilang long-lost photos ng kanilang sa Scottland, 57 taon nang nakalilipas.

Mayroong malaking koleksyon ng Super 8 films si Terry Cheyne ng Aberdeen, Scottland dahil karamihan sa mga ito ay mula sa kaniyang kuha. Ngunit napukaw ang atensyon ni Cheyne sa isa sa kaniyang koleksyon nang napagdesisyunan niyang ilipat ang mga ito sa isang DVD noong nakaraang Abril. Ito ay kuha niya sa dalawang tao na hindi niya makilala.

--Ads--

Ginawa niyang video ang mga naturang still images at pinost niya ito sa isang local Facebook page. Malakipas ang 6 na buwan ay wala pa rin siyang lead kung sino ang mag-asawang kinasal sa mga litratong iyon.

Hanggang sa nakuha nito ang atensyon ni Aileen Turnbull, 77 taon gulang, at residente ng Brisbane, Australia.

Aniya, 5 minuto pa lang siya naging miyembro ng isang facebook group nang makita niya ang sarili niyang wedding photo.

1967 nang ikasal sil Turnbull sa kaniyang asawa na si Bill sa Matrick Church sa Aberdeen at kalaunan ay lumipat sila sa Brisbane.

Sinabi ng mag-asawa na isang beses lang nila napanood ang kanilang video matapos malamang aksidente itong naiwan sa hiniram na projector at naibalik sa may-ari.

Napag-alaman nila na tiyuhin ni Cheyne ang pinaghiramang projector ng mag-asawa.

Pinadalhan naman niya ang mag-asawa ng digitized copy ng kanilang wedding video.