DAGUPAN CITY — Sugatan ang isang senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawidsa kalsada sa kahabaan ng Manila North Road ng Brgy. Bacag sa bayan ng Villasis.
Nakilala ang biktima na si Erlinda Sinio, 67 anyos, residente ng Brgy. Bacag sa nabanggit din na bayan.
Sa imbestigasyon ng Villasis PNP, lumalabas na habang tumatawid ang biktima ay isang humaharurot na motorsiklo ang paparating na tinatahak din ang naturang kalsada naging resulta upang aksidenteng mabangga nito ang biktima.
Resulta nito ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng mga sugat at galos sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan na agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng paunang lunas.
Habang ang suspek naman na nakilalang si Marlon Ignacio, 33 anyos, na residente ng lungsod ng Urdaneta ay hinanapan ng mga rumespondeng kapulisan ng lisensya at mga legal dokumento ngunit wala itong naipakita at napag alaman din na hindi ito nakasuot ng helmet ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng PNP at nakatakda ng maharap sa kaukulang kaso. (With reports from Bombo Mariane Krisha Esmeralda)