Siniguro ng Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Bayambang na maayos pa rin ang takbo ng Agriculture at Fisheries Sector sakanilang bayan.

Kaya naman isinagawa ang quarterly meeting ng Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC).

Dito ay napag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang programang agrikultura at pangingisda.

--Ads--

Base ang talakayan na ito sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028, mga ilan pang pinagpaplanuhang proyekto at inisyatiba, at ang mga napapansing mga bagay na nakakaapekto sa lokal na agrikultura at pangingisda.

Ang sektor ng agrikultura at pangingisda ay hindi lamang kritikal sa produksyon ng pagkain kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng komunidad at ekonomiya ng bayan.

Ang mga nasabing programa naman ay tiniyak din na mayroon ito sa bawat barangay.