Nagbigay ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa 320 indibidwal upang matugunan ang kanilang mga gastusin sa medisina at libing.
Ang kabuuang halaga ng tulong ay umabot sa ₱642,000.00.
Nakatanggap ang 272 indibidwal ng medical assistance habang 48 naman dito ang tumanggap ng burial assistance.
--Ads--
Layunin ng programa na mabawasan ang pasanin ng mga residente sa panahon ng pangangailangan.
Samantala, para sa mga gustong humingi ng tulong pinansyal, maaari silang pumunta sa Mayors Office mula Lunes hanggang Biyernes para agad mabigyan ng tulong sa kanilang pangangailangan.