Dagupan City – Patuloy sa pagbabahagi ng kaalaman ang Lokal na Pamahalaan ng Dagupan katuwang ang City Disaster Risk reduction Management office pagdating sa kaalaman at pagsasagawa ng earthquake drills sa 31 barangay sa syudad bilang paghahanda sa mga pangamba ng lindol.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez na kanilang kinakausap ang mga pamilya para sa mga dapat gawin kung makakaraans ng lindol dahil mahalaga anya ang palaging handa upang makaiwas sa malalang epekto at hindi rin sila titigil sa pagtulong at pagsuporta sa mga residente sa mga sakuna.
Kaugnay nito ay mayroon ding isinagawa na mga earthquake drills sa paaralan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education o DEPED at sa mga provate sector sa lungsod.
Samantala, maaari namang makipag-ugnayan sa tanggapan ng City Disaster Risk reduction management Office ang mga mamamayan o gurpo na nais magsagawa ng drill para sa pagiging handa sa anumang oras at Kahit saan.
Sa pangkalahatan, ang earthquake drills ay mahalaga upang masiguro na ang mga tao ay handa at ligtas sa panahon ng lindol.
Bukod dito ay mayroon ding nakalaan na mga evacuation center sa mga barangay sa syudad.