Dagupan City – Muling iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang tunay na pag-asa ng bayan ay hindi nagmumula sa balota o sa sinumang kandidato, kundi sa Diyos.

Sa naging pagboto nito sa bahagi ng West Central Elementary School, sinabi nito na ang pag-asa ay hindi nanggagaling sa balota kundi nanggagaling sa Diyos. Kung kaya’t dito na niya binigyang diin na ang pagboto dapat natin ay iniaalay natin sa kalooban ng Diyos, dahil ‘yun ang tunay na pag-asa.

Binanggit din ng Arsobispo na ang Diyos ang dapat maging sentro ng desisyon sa pagboto. Dahil aniya, kung walang Diyos sa proseso ng halalan, mawawala ang tunay na pag-asa sa eleksyon.

--Ads--

Nanawagan din si Villegas sa mga botante na gawing panalangin at konsensya ang gabay sa pagpili ng lider.
Aniya, ang Diyos ang tanungin bago bumoto at dapat ay ang Diyos ang manaig bago ang eleksyon.

Dagdag pa niya, dapat mangibabaw umano ang dasal, pag-aralan, at panindigan ang boto — bumoto hindi para manalo, kundi para ipakita ang desisyon para sa bayan.