Isinailalim sa dengue watchlist ng City Health office ang limang barangay dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa tala ng City Health office, umabot na sa 113 ang kaso ng dengue sa lungsod simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.
Naitala ang mataas na bilang sa limang barangay kabilang ang barangay Bonuan Gueset, Bonuan Boquig , Pantal, Caranglaan at Lucao.
--Ads--
Napag-alaman na dalawa hanggang tatlong dengue cases ang naitatala sa lungsod kada araw, gayunman mababa pa rin ang datos kumpara sa naitala noong 2018.