Magdedepoy ang pamahalaan ng mga karagdagang bus at tren upang makatulong sa mga mananakay na apektado ng nakatakdang transport strike ngayon araw.
Papangunahan ng grupong Manibela ang nasabing transport strike uoang ipanawagan sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang di umano’y pamemeke ng mga datos ng Public Transport Modernization Program.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, idedeploy ang mga karagdagang transportasyon sa Edsa Busway at Light Rail Transit Lines 1 at 2.
--Ads--
Mag-aalok rin ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).