Mga kabombo! Tila nga parang eksena sa pelikula ang nangyari sa Turkey!

Ito’y matapos na maging ‘high’ ang 25,000 residente sa isang bayan dahil sa nakumpiskang marijuana.

Ngunit hindi naging ‘high’ ang mga ito dahil sa ginamit mismo ang nakumpiskang marijuana, kundi, naging ‘high’ sila dahil sa ginawa ng mga awtoridad.

--Ads--

Ayon sa ulat, sinunog ng mga awtoridad ang higit 20 toneladang kumpiskadong marijuana — sa mismong sentro ng bayan.

Dahil sa makapal at amoy-marijuana na usok, maraming residente ang hindi makalabas ng bahay at kinailangang manatili sa loob nang halos limang araw. Bawal magbukas ng bintana, at tila naging “hotbox” ang buong bayan.

Ayon naman sa ilan, hindi biro ang naging epekto — dahil marami ang nakaranas ng pagkahilo, pagsusuka, at hallucination, habang ang iba ay tila “naging ibang tao” matapos malanghap ang usok mula sa sinunog na damo.

Bagaman matagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga, maling-mali raw ang naging paraan ng pagsunog at dapat umanong pabrika o pasilidad na may tamang filtering systems ito ginagawa, upang hindi maapektuhan ang kalusugan ng mga tao.