Patuloy ang isinasagawang opensiba ng Israel sa Gaza kung saan pinalalawak ng militar ng Israel ang kanilang operasyon sa lupa.

Layunin nitong lumikha ng malaking buffer zone malapit sa hangganan ng Israel, na nagiging dahilan upang mapilitang lumikas ang daan-daang libong Palestino.

Ayon sa United Nations, halos 400,000 katao ang napaalis mula sa kanilang tirahan sa nakalipas na tatlong linggo.

--Ads--

Umabot na sa 20 utos ng paglikas ang inilabas ng Israel simula Marso 18, kabilang ang buong lungsod ng Rafah sa timog Gaza.

Siksikan naman sa mga lansangan ng Gaza City ang mga lumikas, bitbit ang kanilang kaunting gamit.

Iniulat din ng UN na mahigit dalawang-katlo ng Gaza ay nasa ilalim ng sapilitang paglikas o idineklarang delikadong lugar, na kailangan pang aprubahan ng militar ng Israel bago makapasok ang mga humanitarian team.