Dagupan City – Nagsagawa muli ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Urbiztondo sa pamamagitan ng Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council, na pinangunahan ni Urbiztondo Mayor Modesto M. Operania, para sa huling pulong bago matapos ang taong 2024.
Kung saan tinilakay at pinag-usapan ang mga mahahalagang bagay ukol sa kapmya kontra iligal na droga, mga datos at iba pang paraan upang tuluyang mapuksa ito.
Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan. Binigyang diin din sa programa ang pagpapalakas ng laban sa ilegal na droga, sa pakikipagtulungan ng PNP Urbiztondo at ibang sektor ng konseho. (Aira Chicano)
--Ads--