Dagupan City – Bilang bahagi ng selebrasyon ng Kasalang Bayan 2025, nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Pias Dike at Mapandan Children’s Park upang isulong ang kalinisan at bayanihan sa komunidad.
Pinangunahan ng Mapandan Civil Registry Office ang aktibidad, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan. Sama-samang naglinis ang mga kalahok upang mapanatili ang kaayusan ng mga pampublikong lugar.
Layunin ng programa na hikayatin ang lahat na maging mas responsable sa pangangalaga ng kalikasan at ipakita ang diwa ng pagkakaisa para sa mas maayos at malinis na Mapandan.
--Ads--