Dagupan City – Nagpulong ang lokal na pamahalaan at Department of Public Works and Highways upang pag-usapan ang mga pangunahing proyekto sa imprastruktura na nakatakdang ipatupad at ipagpatuloy sa lungsod.
Layunin ng pulong na palakasin ang koordinasyon at tiyaking maayos ang pagpaplano ng mga proyekto.
Kabilang sa tinalakay ang mga road improvement sa ilang pangunahing kalsada, gayundin ang mga rutang patuloy na naaapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo at high tide.
Kasama rin sa agenda ang pagsasaayos ng mga drainage system upang mabawasan ang problema sa pagbaha.
Pinag-usapan din ang pagpapatuloy ng mga building infrastructure projects na target isakatuparan sa 2026, kasabay ng pagtiyak na handa ang mga plano at teknikal na aspeto bago ang implementasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang tuloy-tuloy na ugnayan ng LGU at DPWH upang matiyak ang malinaw na komunikasyon at makapagpatupad ng mga proyektong makikinabang ang mamamayan, nang may sapat na pag-aaral at wastong pagpapasya.










