Pinuri ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ang ginagawang hakbang ngayon ng Commission on Election laban sa vote buying.

Ayon kay Atty. Ona Caritos, executive Director ng LENTE sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, marami silang natatanggap na reklamo na vote buying na bagay na ikinatutuwa nila sa pagiging aktibo ng COMELEC pagdating dito.

Aniya, sa unang pagkakataon ay ngayon nakitaan nila ang pagiging aktibo ng ahensya laban sa mga reports na vote buying.

--Ads--

Hindi na bago sa eleksyon ang vote buying bagamat matagal na silang nagtratrabaho sa halalan pero ang bago rito ay ang maraming show cause order na iniisyu ng COMELEC para magpaliwanag ang mga kandidato nasangkot sa vote buying.

Malaki aniyang problema sa eleksyon ang paggamit ng resources ng gobyerno gaya ng ayuda lalo na ang mga nakaupo pa sa puwesto para sa kanilang kampanya.

Ang hangad nila ay may masampelan at madiskuwalipikang kandidato kapag napatunayan ang reklamo laban sa kanila.