BOMBO DAGUPAN – Naghain ng nominasyon Ang Aktor PH (League of Filipino Actors), ang organisasyon ng mga aktor na Pilipino na pinamumunuan ni Dingdong Dantes, sa respected at multi-awarded actress na si Vilma Santos para sa National Artist award.

Ang nominasyon ni Vilma sa pinakamataas na karangalan para sa isang alagad ng sining ang pagkilala ng Aktor PH sa mga kontribusyon ng aktres sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng anim na dekada.

Sa pamamagitan ng nominasyon ng Aktor PH kay Vilma sa National Artist award, ipinagdiriwang ang kanyang walang hanggang pamana, pambihirang versatility, at makabuluhang kontribusyon sa sining at kultura ng Pilipinas.

--Ads--

Ang kanyang patuloy na kaugnayan, dedikasyon sa kanyang propesyon at impluwensiya sa lipunan ay nagbibigay-diin sa kanyang pagiging karapat-dapat para sa nabanggit na prestihiyosong karangalan.

Ang Order of National Artist (ONA), na itinatag noong 1972, ay kumikilala sa mga Filipino na gumawa ng mga mahalagang kontribusyon sa pagsulong ng Philippine arts and letter.

Iginagawad ito kada apat na taon.