DAGUPAN CITY- Naglabas ng abiso ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lingayen bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Layunin ng paalala na hikayatin ang publiko na maging maingat at handa sa anumang posibleng insidente sa panahon ng pagdiriwang, lalo na sa pagdagsa ng mga tao sa mga simbahan, lansangan, at mga pasyalan.
Hinimok din ang lahat na makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ngayong Semana Santa.
--Ads--










