Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko laban sa mga pekeng text message na nagpapanggap na galing sa ahensya.

Naglalaman kasi sa mga mensahe na may hindi nabayarang toll fee at nagbabanta ng suspensyon ng lisensya, multa, at pagkumpiska ng sasakyan kung hindi agad magbabayad.

May kalakip din itong kahina-hinalang link na maaaring magdulot ng pagnanakaw ng personal na impormasyon.

--Ads--

Dahil dito, pinaalalahanan ng LTO ang publiko na maging mapanuri at huwag mag-click sa mga kahina-hinalang link.

Para sa mga katanungan ukol sa inyong mga bayarin at iba pang transaksyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng LTO sa portal.lto.gov.ph.

Kung nakatanggap ng ng ganitong mensahe, makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO gamitin ang mga sumusunod na paraan para ma-report ito:

Nanawagan ang LTO sa publiko na maging alerto at maingat sa lahat ng uri ng komunikasyon upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pandaraya.