DAGUPAN CITY- Umaabot na lamang sa higit 4-million ang bilang ng mga nagpaparehisto para sa National ID sa buong rehiyon uno.

Ayon kay Atty. Sheila De Guzman, Regional Director ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office I, malaki na din ang kabuoang bilang ng mga nakarehistro. At simula Pebrero hanggang ngayon, nakatuon ang mga probinsya na irehistro ang mga nasa 1-4 taon gulang.

Kaugnay nito, Pangasinan ang nakitaan na may mataas na output sa nasabing edad. Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng edad 1-4 registrants ang lalawigan ng Pangasinan na may kabuoang 35,130. Kasunod ito ng Ilocos Norte na may 11,823. Habang may bilang naman na 11, 337 para sa Ilocos Sur at 6,920 naman sa La Union.

--Ads--

Ang inisyatibang ito ay matitiyak ng kabilangan ng mga ito sa PhilSys, gayundin sa access ng mga ito sa mahahalagang serbisyo at oportunidad sa hinaharap.

Umaabot naman sa 2,614, 595 ang naitalang kabuoang bilang ng mga registrants sa lalawigan kung saan ito ang may pinakamataas na bilang sa rehiyon. Sinusundadn ito ng La Union na may 688,884. Habang sa Ilocos Sur at Ilocos Norte ay may kabuoang 626,274 at 512, 949.

Sinabi din ni Atty. De Guzman na hindi din nahuhuli ang Rehiyon Uno sa ranking nito sa coverage ng digital national ID sa edad 5 pataas.
Aniya, batay sa inisyatibo ng PSA, habang hinihintay ang printed ID ay ePhil ID muna ang kanilang ilalabas.
Parehas lamang umano ang function nito sa printed ID o PVC ID.