Tiniyak ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III na nananatiling ligtas mula sa African Swine Fever o ASF ang lalawigan.
Sa ipinatawag na emergency meeting ni Espino, inihayag nito na wala pa siyang natatanggap na ulat na may mga baboy na namamatay dito sa probinsiya.
Sinabi pa ni Espino na dati nang mayroong quarantine checkpoint sa mga entry at exit point ng probinsya kaya mas hinigpitan nila ito ngayon.
Siniguro rin ng Gobernador na sapat ang suplay ng karne ng baboy para sa mga Pangasinense kahit pa temporaryong hindi pinapayagan ang pagpasok ng mga karne ng baboy mula sa mga karatig na lalawigan.
Ayon kay Espino, precautionary measure lamang ito na ginagawa rin ng ibang probinsiya sa rehiyon uno.
Una nang kinumpirma Assisstant Provincial Veterinarian Dr. Jovito Tavareros, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan na nagpalabas ng isang executive order si Espino upang pansamantalang ipagbawal ang pagpasok sa lalawigan ng mga baboy at mga produkto kasunod ng hindi pa maipaliwanag na pagkamatay ng mga alagang baboy sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal partikular sa San Isidro, San Jose at Macabud. with reports from Bombo Badz Agtalao