BOMBO DAGUPAN – Tatlong beses umanong tinangkang kitilin ng isang 24 anyos na lalaki sa bayan ng Umingan ang kaniyang buhay hanggang sa tuluyan na niya itong ginawa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Liberato Poking DCOP, Umingan PNP na hindi na naabutan sa mismong lugar ang katawan ng biktima dahil binaba agad ng kaniyang kapamilya ang bangkay nito at dinala sa bahay nila.

Kung saan lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na dahil sa hindi pagkakaunwaan sa kaniyang kinakasamang transgender ay nagkaroon ito ng hinanakit na humantong sa hindi inaasahang pangyayari.

--Ads--

Dagdag pa nito na ayon din sa pamilya ng biktima ay hindi nila ito nabantayan kaya’t hindi na napigilan na gawin ito.

Huling mensahe din umano nito sa kanyang ama ay “Goodbye Philippines” bago niya kitilin ang sarili nitong buhay.

Samantala, nagpaalala naman si PCAPT. Poking na ngayong taon ay dalawang suicide incident na ang naitatala sa kanilang bayan sa parehas na rason.