Nahilo ang isang lalaki matapos siyang mabagsakan ng buko sa ulo habang gumagawa ng “content” sa Banga, South Cotabato.

Sa video kasi ni Ernesto Soriano Basinga, nagkayayaan sila ng kaniyang bayaw na manungkit ng buko, at naisipan niyang gumawa ng Reels.

Ngunit pagkasungkit niya sa isang buko, bumagsak ito sa ulo ni Richard.

--Ads--

Agad namang ngumiti ni Richard, ngunit makikitang nasaktan siya sa nangyari.

Nilagyan pa naman ito ng yelo ulo, hanggang sa nagdesisyon na rin ang mga kaanak na dalhin siya sa ospital matapos siyang makaranas ng pagkahilo.

Isinailalim si Richard sa X-ray at CT scan sa ospital. Sinabi ng mga doktor na posibleng maging sanhi ng mild hanggang severe brain injury ang pagbagsak ng buko sa kaniyang ulo o ang mas malala ay skull fracture o internal bleeding.

Dahil dito, nagpaalala ang mga eksperto na huwag lagyan ng pressure ang parte ng ulo na posibleng nagkaroon ng skull fracture.

Dapat ding i-monitor ang paghinga at pagiging alerto ng pasyente at dapat siyang dalhin agad sa pagamutan para matingnan.