Mga Kabombo! Hanggang saan ang kaya mong gawin para lamang makumpirma ang iyong identity lalo na at kailangan mong maglabas ng pera.
Kahit ba ikaw ay nasa hindi maayos na kalagayan ay required parin na ikaw mismo ang kumuha nito? Buwis buhay kung tawagin dahil kailangan ang physical appearnce kahit may sakit.
Ito ay matapos magviral sa social media ang video ng isang lalaking Chinese ang kinailangang dalhin sa isang local bank upang makumpirma ang kanyang identity para sa money transfer.
Yun nga lang, dinala siya ng kanyang pamilya sa bangko habang nakahiga sa hospital bed.
Ang video ng insidente ay ini-upload sa isang social media app kung saan naging viral ito sa Chinese social media.
Sa video ay makikitang hirap na hirap ang isang babae habang itinutulak ang hospital bed na may nakahigang lalaki papasok sa Shandong Province bank.
Napag-alamang sinabihan ng bangko ang pamilya ng lalaking maysakit na kailangang makumpirma ang identity ng huli para ma-access ang account nito.
Kailangan daw ng physical appearance. At kahit pa ipinaliwanag ng pamilya na naka-confine sa hospital ang lalaki at malala ang sakit nito, hindi pumayag ang bank manager.
Ipinakita rin sa bank manager ang mga dokumento galing sa ospital para patunayang maysakit talaga ang lalaki, pero wala ring nangyari.
Sinabi pa ng bank manager na puwedeng dalhin sa bangko ang lalaking maysakit gamit ang ambulansiya.
Sa kasamaang palad, ayon sa hospital kung saan siya naka-confine, ginagamit lang ang mga ambulansiya sa health-related emergencies.
Hindi naman kaya ng pamilya na magrenta ng private ambulance.
Walang nagawa ang pamilya kundi itulak na lang ang hospital bed papunta sa bangko.
Napag-alamang kailangan nila ng pera bilang pambayad sa hospital.
Pero kakatwa na buwis-buhay ang pinagdaanan ng maysakit para lang ma-access ang kanyang pera sa bangko.