DAGUPAN CITY–Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Alcala PNP kaugnay sa nangyaring shooting incident sa kanilang nasasakupan na ikinasawi ng isang katao.

Nabatid mula kay PCapt. Alfredo Padilla Jr, OIC ng nabanggit na himpilan, bandang alas dos bente ng hapon kahapon nang nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa naturang pangyayari partikular sa brgy. San vicente malapit sa private cemetery.

Kinilala ng biktima na si Wilfred Gambol Macaraeg, 36 anyos , at tricycle driver .

--Ads--

Sinubukan pang isugod sa Bayambang District Hospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay idineklara na itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Kasama ang Scene of the crime operatives o SOCO, natuklasan at na recover mula sa pinangyarihan ng insidente ang ilang basyo ng caliber 45 na baril na siyang ginamit ng mga hindi pa tukoy na suspek.

Giit ni Padilla, nagkaroon na ng record ang nabanggit na biktima na may kinalaman sa iligal n droga.

Sa ngayon ay kumakalap pa sila ng matibay na ebidensya at motibo upang malaman kung ano ba ang totoong dahilan sa nasabing pamamaril.

PCapt. Alfredo Padilla Jr,- OIC COP ALCALA PNP

Bagamat may mga tinutumbok na silang persons of interest sa likod ng krimen, patuloy pa din ang pagsasagawa nila ng manhunt operation para sa agarang pagkakakilanlan ng mga suspek.