BOMBO DAGUPAN -Mga ka bombo mag ingat po kayo sa pagpasok ng comfort room lingon lingon sa paligid baka may nakaabang na ahas.

Isang lalaking kakagising ang nakaramdam ng sakit sa kanyang maselang bahagi ng katawan habang siya ay nasa banyo.

Yun pala, may kumagat na python sa kanyang testicles.

--Ads--

Idinetalye ng biktimang si Thanat Tangthewanon ang mga pangyayari sa pamamagitan ng Facebook post kalakip nito ang mga kuha niyang larawan ng ahas sa may toilet bowl. Tinatayang nasa nine feet ang haba nito.

May bakas din ng dugo na nagkalat sa sahig at toilet bowl.

Nangyari raw ang insidente bandang alas diyes ng umaga.

Saad pa niya, bago siya umupo sa toilet bowl ay nag-flush muna siya tulad ng lagi niyang ginagawa bilang pag-iingat.

Kaagad daw tumayo si Thanat at hinila ang ahas na hawak-hawak niya sa leeg.

Pero sadyang matindi raw ang kapit ng ahas sa kanyang maselang bahagi.

Pinagpapalo raw ni Thanat ang ahas, kahit natatamaan na rin ang kanyang mga daliri na nakahawak pa rin sa leeg ng ahas.
Sumailalim daw siya ng tests para matiyak na ligtas siya.