Dagupan City – Mga kabombo! Mahirap pala maging maganda!

Bakit? Tatlo kasing babae ang sinaktan ng isang lalaki sa Cebu City sa magkakahiwalay na insidente.

Ayon sa mga pulis, ang naging rason daw nito ay ayaw raw kasi ng suspek sa mga magagandang babae.
Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi ni Leanza, na nagtamo ng sugat sa mukha at black eye ng mga babaeng biktima ng suspek.

--Ads--

Ang unang biktima ay naglalakad sa OsmeƱa Street at pauwi na sa kanilang bahay nang suntukin siya ng suspek sa ilong.
Malakas daw ang pagkakasapak ng lalaki, at nabasa ng dugo maging ang damit ng babae.

Nangitim naman ang palibot ng mata ng 33 anyos na pangalawang biktima, na sinuntok ng suspek sa may Jacosalem Street.

Samantala habang nagda-jogging naman sa may B. Rodriguez Street ang pangatlong biktima na isang 22 anyos na dalaga nang sapakin ng suspek sa mata, kung kaya’t black eye rin ang inabot nito.

Hindi na binanggit ang kanyang pangalan at inaalam pa ng pulisya kung may problema sa pag-iisip ang lalaki. Sinampahan na rin ito ng reklamong multiple physical injuries.