Mga kabombo! Imbis na mauwi sa kasiyahan ay nauwi sa trahedya ang sang pary sa Moscow.

Paano ba naman kasi, pumutok umano ang tiyan ng isang 38-anyos na lalaki dahil sa pag-inom ng cocktail na may liquid nitrogen na inihanda ng isang celebrity chef.

Nangyari ang insidente sa “Igra Stolov” culinary studio kung saan nagpapalabas ng “cryo-show” ang chef gamit ang liquid nitrogen para palamigin ang inumin at lagyan ito ng “dramatic fog effect”.

--Ads--

Sa viral video, makikitang inudyukan pa ng chef ang biktimang si Sergey na inumin agad ang cocktail, ngunit pagkalagok nito ay agad bumuga ang usok mula sa bibig nito at bumagsak sa sahig dahil sa matinding sakit.

Dahil sa pangyayari, agad namang isinugod ang biktima sa ospital at sumailalim sa emer­gency­ surgery matapos madiskubre ng mga doktor na pu­mutok ang tiyan nito dahil sa mabilis na reaksyon ng kemikal.

Paalala naman ng mga eksperto, ang liquid nitrogen ay may temperaturang -196°C at kapag pumasok sa katawan ng tao, mabilis itong nagiging gas at nag-eexpand nang daan-daang beses ang laki, na nagiging sanhi ng matinding internal pressure na kayang sumira ng organs.

Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ang biktima at bagama’t gising na, nananatiling kritikal ang kanyang kondisyon dahil sa kapabayaan at kawalan ng babala tungkol sa panganib ng pag-inom ng liquid nitrogen bago ito tuluyang mag-evaporate.