Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyang motosiklo sa kahabaan ng barangay Tonton East, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay police major Zaldy Fontanos, deputy chief of police sa bayan ng Lingayen, kinilala ang biktima na si Salvador
De Vera, 43 anyos, bus conductor at residente ng Brgy. Tombor, sa bayan ng Binmaley.

Sa imbesyigasyon, galing sa inuman ang biktima at habang binabagtas ang portion ng barangay Tonton ay sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na kotse.

--Ads--

Dahil sa sobrang bilis ng motorsiklo ay tumilapon ang biktima sa canal at nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan lalo na sa bahagi ng ulo.

Ang kotse ay minamneho ni Noel Dalope , 47 anyos, kasama ang kanyang pamilya na pawang mga residente ng Brgy. Malanay, Sta Barbara, Pangasinan .

Agad na dinala ang biktima sa Lingayen District Hospital pero ideneklarang dead on arrival.

Pinaniniwalaang lango sa alak ang biktima at nawalan ng kontrol sa kanyang pagmamaneho.

Police major Zaldy Fontanos, deputy chief of police-Lingayen

Samantala, nagkasundo na ang magkabilang panig at hindi na rin nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima.