Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga mahilig umamoy ng gamit?
Pasintabi po sa mga kumakain. Paano na lamang kung malaman mong may isang taong nagkaroon ng sakit dahil sa nahiligan nitong amuyin ang kaniyang gamit na medyas?
Ayon sa ulat, kinilala ang 40-anyos na isang office worker mula sa Chongqing, China.
Kung saan ay dumanas umano ito ng malubhang impeksiyon sa baga (lungs).
Base sa kaniyang salaysay, napilitan itong magpakonsulta nang uminom ito ng gamot matapos makaranas ng malubhang ubo.
Dito na niya napag-alaman matapos isinagawa ng mga doktor ang CT scan at MRI, napansin nila ang mga hindi pangkaraniwang anino sa kanang bahagi ng kanyang baga.
Hanggang sa tinanong ng mga doktor ang kanyang mga aktibidad sa pang-araw-araw, dito na niya ibinahagi ang gawain nitong pag-amoy ng kanyang maruruming medyas tuwing siya ay umuuwi mula sa trabaho.
Ayon sa doktor,ang mga medyas na madalas isuot ng pasyente ay naglalaman ng pawis, urea, at ang mainit at mamasa-masang kapaligiran sa loob ng sapatos ay naging breeding ground para sa pagdami ng mga fungus. Kung kaya’t nagdulot ito ng impeksiyon sa baga.