Dagupan City – Aksidenteng nasaksak habang umaawat sa nag-aaway na magkapatid ang isang lalaki sa Brgy. Tambac sa lungsod ng Dagupan.

Batay sa ulat ng Dagupan City Police Office, nag-iinuman ang biktima kasama ang magkapatid nang biglang sumulpot ang suspek at komprontahin ang kanyang kapatid.

Sa tangkang pag-awat ng biktima, aksidente siyang nasaksak sa kaliwang bahagi ng tiyan.

--Ads--

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima para lapatan ng lunas, habang naaresto naman ang suspek at nakumpiska ang ginamit na patalim.

Kasalukuyan siyang nakakulong sa Dagupan City Police Station.