Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kanyang kapitbahay sa alaga nitong baboy, sa bayan ng SuaL,Pangasinan.
Kinilala ang naaresto na si Rommel Marimla , 21 anyos, binata, construction worker at residente ng Bolaoen, Sual, Pangasinan.
Una rito, nagreklamo ang isang Jomar Austria , 41 anyos, may asawa , OFW at residente rin sa nasabing lugar matapos gahasain ng suspek ang kanyang alagang walong buwang gulang na baboy sa kanilang bakuran.
Bilang ibidensya nito ang pagdurugo umano ng ari ng baboy.
Ayon pa sa complainant, ang alaga niyang baboy ay inaalagaan niya para manganak para makadagdag sa kanyang kinikita.
Sa ngayon ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 8485 at Grave Scandal sa Prosecutors Office sa bayan ng Lingayen.