DAGUPAN CITY – “Matinding kalasingan at katiyawan.”
Ganito umano nag-ugat ang pananaksak sa isang lalake sa bayan ng Urbiztondo.
Ayon kay PSSg Ryan Dela Cruz Sabangan, Investigator on Case ng Urbiztondo PNP, sa kanilang pagsisiyasat sa insidente, napag-alaman na gabi ng mag-inuman ang mga kalalakehan sa lugar kabilang na ang magpinsang suspek at biktima na sina Jerick Paningbatan at Rocky Paningbatan ay nagkainitan matapos ang ilang pangangantiyaw sa kalagitnaan ng inuman.
Aniya, sinabihan at inasar umano ng suspek ang biktima na nagnakaw ng kambing sa kanilang lugar ngunit nang ibinalik umano ng biktima ang kantiyaw na “manyak” umano ang sa kanilang lugar, dala ng kalasingan ay napikon umano ito dahilan para magsuntukan ang dalawa at nasaksak naman ang biktima.
Nagtamo ng matinding saksak ang biktima dahilan para ito ay sumailalim pa sa operasyon at ito ay kasalukuyan nang nagpapagaling sa Pangasinan Provincial Hospital.
Sa ngayon ay nahuli na ang suspek at nasa kustudiya na ng naturang himpilan.