DAGUPAN, CITY— Dating alitan ang nakikitang motibo ng hanay ng kapulisan kaugnay sa nangyaring pamamaril sa siyudad ng San Carlos.
Ang naturang biktima ay kinilalang si Dexter Coquia y Tamondong, 35 anyos at residente sa naturang bayan na nagtamo tama ng bala sa bandang tiyan at hita.
Ayon kay PLt.Col. Franklin Ortiz, OIC ng San Carlos PNP, nang kanilang nakapanayam ang biktima at nakakapagsalita ay nabanggit nito na may nakaalitan umano ang biktima at minsan nang nagbanta sa kanyang buhay.
Sa kanilang imbestigasyon sa naturang insidente, habang papasok na ang biktima sa kanyang bahay ay tinambangan at pinagbabaril ito ng isang gunman na nakasakay sa motor.
Pagkaraang mangyari ang insidente ay agad namang tinulungan ng mga residente sa lugar ang biktima at agad na idinala sa pagamutan.
Inilipat na ang biktima sa Region 1 Medical Center (R1MC) upang mas lalong mabigyan ng atensyong medikal.
Sa ngayon ay on going pa ang validation at follow up investigation ng San Carlos City PNP sa nangyaring insidente.