Madami ang nahuhumaling at nagkaroon ng craze o tinatawag na labubu effect.

Dahil sa social influence ay naging uso ang labubu doll at halos lahat ay mayroong ganitong laruan.

Ayon kay Dr. Nhorly Domenden – Director, Wundt Psychological Institute bagama’t kilala ang nagpauso nito ay nagkaroon ng domino effect.

--Ads--

Kahit ang mga taong hindi naman kilala ang k-pop artist na nagpauso nito ay marami ang nahumaling na bumili nito.

Isa na rin ang tinatawag nilang ‘healing your inner child’ kung saan ang pagkakaroon ng ganitong object ay tila ba fulfillment o pagrevisit sa iyong old interests.

Samantala, iba-iba naman ang pananaw ng ibang tao patungkol dito.

Kung saan may mangilan-ngilan na naniniwalang may masama daw itong epekto at ang labubu ay isang little monster.

Bagama’t laging naghahanap ng paliwanag ang isang tao, naniniwala naman si Dr. Domenden nasa emotional o psychological cause sa behavior ng bata ang pagkahumaling sa labubu.

Kaya’t mahalaga parin na tignan talaga ang nagiging source ng happiness at bilhin lamang ito dahil gustong bilhin at hindi dahil uso.

Gayunpaman, mas importante parin ang human interaction dahil habang tumatagal ay mawawalan din ito ng value gaya ng ibang craze.