DAGUPAN CITY– Dadaan pa sa forensic at DNA Examination para sa specific identificaiton ang mga labi na kasama sa nagcrash na chopper ni NBA Star Kobe Bryant sa Southern California.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Professor Gabriel Ortigoza ng University of California Davis sa Amerika ngayong araw ay nakuha na ang lahat ng siyam na bangkay na sangkot sa naturang aksidente kabilang na ang kay Bryant at anak nitong si Giana.

Base sa report ng grupo na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayari ay finoforensic na ang mga labi ng mga biktima bago ito tuluyang ipasakamay sa pamilya ng mga ito.

Ngayon aniya ay tahimik pa ang mga kaanak ni Bryant hinggil sa insedente at hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag.

--Ads--

Hanggang sa ngayon naman aniya ay nasa in-denial stage pa ang ilang mga Americans sa sinapit ni Bryant at hindi pa umano ito natatanggap lalot marami ang umiidolo dito.

Professor Gabriel Ortigoza , University of California Davis USA

Sa Los Angeles aniya ay nasa “mourning condition” pa umano ang marami sa mga residente lalot nabigla ang lahat sa sinapit ng sikat na basketbolista.

Professor Gabriel Ortigoza , University of California Davis USA

Kilala si Bryant sa moniker na ‘Black Mamba’ kung saan hawak nito ang limang NBA Championship at naging 19-time All-Star din ito. Nasa pang-apat din siya sa all-time scoring list ng NBA.