Kasalukuyan pang hinahanap ang labi ng isang Filipino crew sa nasunog na supertanker sa Indian Ocean.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Zeny Gadut, Presidente ng Filipino Association mula sa Comlombo, Sri Lanka, sa 18 Filipino crewmen ng New Diamond Tanker, isa ang nasawi at isa ang nasa pagamutan pa rin bagaman wala na ito sa bigit ng kamatayan, habang ang iba ay ligtas na rin at kasalukuyang nasa shelter.

Naapula ang sunog noon pang Sabado sa pagtutulungan ng Airforce at Navy ng bansang Sri Lanka.

--Ads--

Labis naman ang kanilang pasasalamat sa mabilis na aksyon ng Sri Lankan Government sa nabanggit na insedente.

Ang nasambit na supertanker ay naglalaman ng dalawang milyong bareles ng langis na naglalayag mula Kuwait at Indian Ocean.

Matatandaang lulan din nito ang lima pang Greek crewmen at kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng pagkakasunog ng namabit na oil supertanker.