Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang Articles of Impeachment na isinampa laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, sa isang desisyong inilabas ngayong araw.

Sa isinapublikong ruling ng Mataas na Hukuman, sinabi nitong ang nasabing reklamo ay hindi tumalima sa mga proseso at batayang legal na nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas ukol sa impeachment.

Dahil dito, itinuturing na walang bisa at hindi maaring ipagpatuloy ang nasabing impeachment proceedings.

--Ads--

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema, “Ang Konstitusyon ang nagbibigay ng malinaw na gabay kung paano dapat isagawa ang impeachment. Anumang paglihis mula rito ay hindi maaaring palampasin.”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Vice President Duterte, ngunit ilang malalapit sa kanyang kampo ang nagsabing ikinaginhawa nila ang desisyon ng Korte Suprema, na kanilang tinawag na “tagumpay para sa rule of law.”

Samantala, inaasahang hihimayin sa mga susunod na araw ng mga mambabatas at legal experts ang magiging epekto ng desisyong ito sa mga kaparehong kaso sa hinaharap.