Nagawang makapasok ng semifinals ang koponan ng Western Visayas sa Secondary boys- basketball division sa Palarong Pambansa 2025 matapos talunin ang defending Champion, ang National Capital Region, sa final score na 76-67.

Nagawang mahabol at lamangan ng Western Visayas ang six-point half-time deficit ng NCR bago pumasok sa 4th Quarter.

Simula nito ay hindi na hinayaan ng kanilang koponan na makontrol pa ng NCR ang laro.

--Ads--

Ayon sa isa sa kanilang manlalaro na si Paul Jovan Santome, depensa ang kanilang naging alas para hindi umubra ang matinding opensa na ipinapakita ng NCR.

Sa ngayon ay bibigyan muna nila ng panahon ang kanilang koponan na magrecover mula sa pagod at tsaka na nila paghahandaan ang susunod nilang makakatapat.

Samantala, deretso finals na ang kanilang koponan matapos talunin ang CALABARZON sa semis.

SIla ay makikipag-agawan ng kampyonato laban sa koponan ng MIMAROPA.