Ikinasal na ang PBA star na si Kiefer Ravena sa beauty queen-actress na si Diana Mackey.
Ginanap ang seremonya ng kasal na ginanap nito lamang Hunyo 11, 2025, sa St. Michael the Archangel Parish sa Bonifacio Global City, Taguig.
Dumalo sa espesyal na okasyon ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan, kabilang na ang mga kapatid ni Kiefer na sina Dani Ravena at Thirdy Ravena, pati na rin ang ilang showbiz personalities tulad nina Jai Agpangan, Franki Russell, Bugoy Drilon, Karylle at Yael Yuzon, MJ Lastimosa, Gazini Ganados, at Karen Laurrie Mendoza.
Sa kanilang social accounts, ibinahagi nina Kiefer at Diana ang mga larawan at video mula sa kanilang kasal na kinunan ng kanilang mga bisita, na agad namang umani ng pagbati mula sa netizens at fans.
Matatandaang noong Oktubre 31, 2024, nag-post si Kiefer ng mga larawan mula sa kanilang travel photos ni Diana, kung saan makikita ang suot ni Diana na diamond ring — kumpirmasyon ng kanilang engagement.
Tatlong araw bago ito, noong kaarawan ni Kiefer, ipinakilala ni Diana si Kiefer bilang kanyang nobyo sa publiko sa pamamagitan ng social media post.
Tinawag ni Diana ang kanilang love story bilang “best plot twist” ng 2024, at mas lalong naging makulay ang kanilang journey nang inanunsiyo ni Kiefer ilang buwan bago ang kasal na sila ay magkakaroon na ng kanilang unang anak.