Ayon sa Ombudsman, ang kaso ni Senador Joel Villanueva na iniimbestigahan ng Department of Justice ay nasa “advanced stage” na. Ito’y sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Lunes.

Haharapin ni Villanueva ang mga kasong paglabag sa Anti-Graft Law, malversation ng public funds sa pamamagitan ng falsification of documents, panunuhol, korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno, at paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Ayon sa DOJ, nakalap na nila ang mga ebidensya at affidavit mula sa ilang indibidwal at imbestigador. Susuriin ng panel ng DOJ prosecutors kung may sapat na batayan para magsampa ng kaso laban kay Villanueva.

--Ads--

Huling nagpakita si Villanueva sa DOJ noong Enero 26 kung saan isinampa niya ang kanyang counter-affidavit, mariin namn niyang itinanggi ang akusasyon ng pagkuha ng kickback mula sa mga anomalya sa flood control projects.