Tumaas ng 74 percent ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana Ma. Theresa de Guzman, umabot na sa 2,914 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Agosto 9.
Dalawa naman ang naitalang nasawi.
Ito ay mas mataas kumpara sa nakalipas na taon na nakapagtala ng 1,671 at 13 ang nasawi.
Pero kung ikumpara ang datos ay mas mababa daw ang bilang ng nasawi ngayong taon.
Kabilang sa mga hotspot areas na may mataas na kaso ng dengue ay ang San Carlos City na mayroong 331, Alaminos City na mayroong 290, sa bayan naman ng Pozorrubio ay nakapagtala ng 160 , sa bayan ng Bolinao ay mayroong 127 na kaso at 126 naman sa lungsod ng Urdaneta.
Samantala, tumaas din ng 13 percent ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan.
Sa kasalukuyan ay may naitalang 17 na kaso ng leptospirosis at isa ang nasawi.
Nabatid na kabilang sa mga sakit na binabantayan ngayong panahon ng tag ulan ng Provincial Health Office ang water borne diseases, leptospirosis at dengue.
Nanawagan si de Guzman na ugaliian ang pagllinis ng kapaligiran upang makaiwas sa pagkakasakit.