DAGUPAN CITY–Bagamat patuloy na tumataas, binigyang diin ng Provincial Health office ng Pangasinan na mas mababa parin ng walong pursyento ang kaso ng sakit na dengue dito sa lalawigan kumpara noong nakarataon.

Ito ang nabatid mula kay Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health office Chief ng lalawigan, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan .

Aniya, simula Enero hanggang Setiembre ng taong kasalukuyan, nasa 6,397 na ang naitalang kaso ng sakit na dengue kung saan 11 rito sa nasawi.

--Ads--

Kung ihahambing noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, nasa 6,947 ang naitalang kaso habang 25 ang nasawi.

Ayon kay Dra. De Guzman, nasa siyam na pursyento paring mas mababa ang naitalang kaso sa kasalukuyan.

Samantala, kinumpirma ni Dra. De Guzman na mahigpit parin nilang binabantayan ang ilang lugar sa probinsya dahil sa patuoy na pagtatala ng doube digit na kaso ng sakit na dengue sa kanilang nasasakupan na itinuturing ngayong hot spot ng PHO pagdating sa naturang sakit.