Nagsimula ng tumaas ang kaso ng dengue dito sa lalawigan ng Pangasinan kasabay ng opisyal at pormal na pagpasok ng tag ulan.
Sa datos ng Provincial Health Office ngayong buwan ng Hunyo, umabot na sa animnapu’t walo (68) ang kaso ng dengue habang ang kabuuang bilang naman nito na nagsimula noong Enero 2019 ay nasa 1258 na.
Isa na rin ang naitang patay ngayong taon dahil sa nabanggit na sakit.
Dahil dito, naglabas na ng advisory ang PHO na i-activate na ang ‘Dengue Fast Lane’ sa lahat ng pampublikong pagamutan dito sa probinsya. Ibig sabihin, may mga itatalagang doktor at nurses na tututok lamang sa paggamot sa mga magkakasakit ng dengue.
Samantala, inamin din ng PHO na may limang bayan dito sa probinsya ang kanilang mahigpit na binabantayan dahil nasa ilalaim umano ito ng kanilang Dengue Watchlist.
Kabilang sa mga lugar ay ang bayan ng Bayambang, Pozzorubio, Lingayaen, Malasique at Urdaneta City.