Dapat mapag-aralang mabuti ang kasalukuyang batas partikular ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kung saan ang mga batang may edad 15 pababa ay hindi maaaring panagutin sa ilalim ng batas kriminal.

Sa halip, sila ay sumasailalim sa rehabilitasyon sa mga youth care facilities o Bahay Pag-asa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo, Co-anchor Duralex Sedlex may mga pagkakataong ginagamit ang mga bata bilang bahagi ng sindikato na may kinalaman sa paggawa ng krimen.

--Ads--

Aniya na hindi maitatanggi na talagang talamak ang krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad halimabawa na lamang ang ilang kontrobersyal na kaso sa Pilipinas kung saan sangkot ang mga kabataan sa pagnanakaw at iba pang paglabag sa batas.

Bagama’t hindi sila maaaring ikulong, mas madaling utusan ang mga bata para gumawa ng krimen.

Kaya’t dapat ay mapag-aralang mabuti ang nilalaman ng kasalukuyang batas upang magkaroon ng pananagutan ang mga batang lumabag nito.

Gayunpaman, mariing tinutulan ng ilang mga grupo ng human rights advocate ang panukala.

Anila hindi ito ang tamang solusyon sa lumalalang kriminalidad sa bansa.

Samantala, nanawagan naman si Atty. Tamayo lalo na sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang mailayo sa anumang hindi kaaya-ayang asal.